Punuin ang altar ng Poinsettia nitong Kapaskuhan!

1. IMACULADA CONCEPCION – Sa Dakilang Kapistahan ng Imakulada Concepcion, magkakaroon ng Munting Prusisyon sa ating Parokya pagkatapos ng misa sa ika-6:30 ng gabi.  Magdala po ng sariling kandila.

 2.       POINSETTIA – Punuin po natin ang ating altar at simbahan ng mga poinsettia nitong Pasko.  Lalagyan po natin ang mga tangkay nito ng mga pangalan ng pamilya at iaalay po natin sila sa ating mga misa nitong Pasko. Pumunta po sa Parish Office para sa inyong mga alay.

 3.       PAMASKONG HANDOG – Ang Pasko ay laging panahon ng pagbabahaginan, lalo na para sa mga naghihirap at kapos nating mga kapatid. Binibigyan natin sila ng kahit na dahilan upang ipagdiwang ang Pasko sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at iba pang gamit para sa noche buena. Ihahanda po ito ng Social Services and Development Ministry sa tulong mga kawan at ibibigay po natin ito sa mga pamilya sa Kapistahan ng Banal na Pamilya sa umaga ng ika-30 ng Disyembre. Mag-alay po tayo ng Pamaskong Handog sa ating mga misa nitong Simbang Gabi.

 4.       CHRISTMAS ENVELOPES - Mangyaring kumuha ng mga sobre para sa Pasko na naglalaman ng iyong mga intensyon. Ipagdadasal natin sila sa ating mga misa. Gagamitin din po ito para sa ating Pamaskong Handog.

 5.       MASS SPONSORSHIPS PARA SA SIMBANG GABI AT MISA DE AGUINALDO – pumunta na po tayo sa ating Parish Office para sa ating mga pamisa o mass sponsorships para sa mga Simbang Gabi at Misa de Aguinaldo.  Tignan po ang schedule ng mga Mass sponsorships bawat araw sa pamamagitan ng mga Purok at Villages sa tarpaulin ng ating Parokya.

 6.       PARISH ADVENT RECOLLECTION – Magkakaroon po tayo ng Parish Advent Recollection para sa mga pamilya at ministers na nais na paghandaan ang tunay ng Pasko.  Ito po’y gaganapin sa Martes, Ika-13 ng Disyembre pagkatapos ng misa ng ika-6:30 n.g.  Dumalo po tayo ating Parish Advent Recollection.

 7.       MISA DE GALLO AT MISA DE AGUINALDO – Simula ika-15 ng Disyembre ang ating mga Simbang Gabi ay magsisimula ng ika-8:30 ng gabi samantalang ang ating mga Misa de Gallo ay gaganapin sa ika-4:30 ng umaga.  Ang misa de Aguinaldo ng Kapanganakan ni Kristo sa ika-24 ng Disyembre ay ipagdiriwang sa ika-10 ng gabi pagkatapos ng Mini-Musical na pinamagatang “Tunay na Pasko” na magsisimula sa ika-9:30 n.g.


 
8.      
MISA PARA SA BAGONG TAON - Ang misa sa paghahanda sa Bagong Taon ay magaganap sa ika-31 ng Disyembre 2022, sa ganap na ika-8 ng gabi.  Magdala ng sariling kandila. 

MUNTING KATESISMO

Ang ang ibig sabihin ng Linggo ng Gaudete?

Ang ikatlong Linggo ng Adbiyento sa kalendaryong Romano Katoliko ay tinatawag na "Linggo ng Gaudete".  Ang termino ay nagmula sa Latin na pambungad na mga salita ng "introit" na antipona, "Parati tayong magsaya (Gaudete) sa Panginoon." Ang tema ng araw ay nagpapahayag ng kagalakan ng pag-asa sa paglapit ng pagdiriwang ng Pasko.

Comments