Kapistahan ng Kristong Hari, Ipagdiriwang

1. Christ the King Procession (announce up to Sunday morning Masses only)

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Solemnity of Christ the King, magkakaroon po ng prusisyon sa ika-dalawampu (20) ng Nobyembre, isa at kalahati ng hapon (1:30PM). Ito ay dadaan sa mga susunod na kalye: St. Rita, St. Francis, St. Paul, Daang Hari, St. Therese, St. James, Perpetual Village Main Entrance Gate, St. John, St. Peter, St. Catherine patungong PV10, Bougainvillea, Jasmine, Libra, Pisces, Aries, at pabalik sa ating Parish Church. Inaanyayahan po ang lahat na makilahok at magsuot ng pula. 

2. November Mass Envelopes

Maaari pa pong kumuha ng mga November Mass Envelopes para sa mga kaluluwa ng ating mga namayapang minamahal. Lumapit po sa ating mga Usherettes o sa inyong mga chapel coordinators upang makakuha nito. Ito po ay ihuhulog sa box na nasa harapan ng altar ng ating Simbahan at ipagdadasal po ang inyong mga intensyon para sa mga kaluluwa sa mga Misa ng Nobyembre.

3. Advent Wreath Candles

Bilang pakikibahagi sa panahon ng Adbiyento at paghahanda sa Pasko ng Pagsilang ng ating Panginoon, inaanyayahan po ang bawat pamilya na makaroon ng Advent Wreath Candles sa kanilang mga tahanan. Ang mga ito ay sisindihan bawat Linggo ng Adbiyento. Ito ay may iba't ibang simbolo at kahulugan: 

1. Unang kandila (violet) ay simbolo ng Pag-asa

2. Pangalawang kandila (violet) ay simbolo ng Pag-ibig

3. Pangatlong kandia (kulay rosas) ay simbolo ng Kagalakan

4. Pang-apat na kandila (violet) ay simbolo ng Kapayapaan. 

Ito po ay fundraising activity ng Family & Life Ministry, at maaari pong mabili ang mga kandila sa display sa aharapn ng simbahan. Maaari niyo po itong pabasbasan pagkatapos ng Misa. Maraming salamat po. 

4. KUMPISALANG PAROKYA

Magkakaroon po ng Kumpisalang Parokya sa Miyerkules, ika-1 ng Disyembre, 2022, pagkatapos ng misa sa ika-6:30 ng gabi.  Ang mga pari ng Bikaryato ng Sto. NiƱo ay pupunta sa ating parokya upang makinig sa ating kumpisal.  Ito ang kauna-unahang Kumpisalang Parokya sa panahon ng pandemya.  Maglaan po ng panahon at tanggapin ang pagpapatawad ng Diyos.

5. OMPHP Parish Chorale

Bukas po ang recruitment upang maging miyembro ng mga OMPHP Parish Chorale para sa mga babae't lalaki na may magagandang tinig at handang maglingkod sa ating simbahan o sa kapilya sa pamamagitan ng pag-awit sa ating mga Misa.  Magtanong po ang mga interesado sa ating mga Music Ministers o sa opisina at hanapin si CJ Lloren o dumeretso po kay Fr. Lito Jopson. Mas kailangan po natin ng mga lalaki upang umawit bilang Tenor at Bass, gayundin ng mga instrumentalists.  

Ang mga practices para sa Christmas songs at Musical at tuwing Sabado simula ika-2 ng hapon. 

6. Mga Liturgical Ministers

Bukas po ang ating recruitment para sa mga may nais maglingkod sa parokya bilang mga liturgical ministers - Extraordinary Ministers of Holy Communion, Knights of the Altar, Lectors and Commentators, Ushers, Mother Butler Guild, at Music Ministers. Makipag-ugnayan po sa Parish Office o sa sinumang aktibong naglilingkod sa Parokya. 

7. MUNTING KATESISMO

Bakit ba natin pinagdiriwang ang Kristong Hari?

Ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari ay nakapaloob sa dalawang panahong liturhikal – ang pagtatapos ng panahon at pagpasok ng bago simula sa Adbiento, ang pag-aantabay sa ikalawang pagdating ni Kristo. Tinatawagan tayong pag-ibayunin ang ating buhay Kristiyano sa mas aktibong paglilingkod natin sa ating Hari at Panginoong Hesukristo. 

PARISH VISION AT MISSION

(Babasahin pagkatapos ng Komunyon)

Isang malaking grasya ang naganap sa ating Parokya noong ika-12 at 13 ng Nobyembre sapagkat nabuo ang pinagsama-samang kaisipan ng ating mga lider-lingkod ang isang pangarap at misyon para sa ating mahal na Parokya.  Inihahandog po namin sa inyo, aming mga ka-parokya ang ating Pamparokyang  Vision at Mission.  Tumayo po tayo at bigkasin nang sabay-sabay ang ang PANANAW AT MISYON.  

(tatayo ang congregation)

PANANAW

Pananaw namin ang Parokya ng Ina ng Laging Saklolo ng Taguig bilang isang komunidad ng mga katiwala na nagkakaisa, nagbabahaginan, at tumutupad sa kalooban ng Diyos sa tulong ni Maria, ang ating Ina ng Laging Saklolo.

PAGTATALAGA

Upang matupad ang aming pananaw, tinatalaga namin ang aming mga sarili sa paghuhubog, pakikilahok, at paglilingkod tungo sa kaganapan ng paghahari ng Diyos. 

KUNG KAYO PO’Y SUMASANG-AYON SA ATING VISION AT MISSION, SANG-AYUNAN PO NATIN ITO SA PAMAMAGITAN NG MASIGABONG PALAKPAKAN. 

Comments