Advent Wreath Candles
Bilang pakikibahagi sa panahon ng Adbiyento at paghahanda sa Pasko ng Kapanganakan ng ating Panginoon, inaanyayahan po ang bawat pamilya na makaroon ng Advent Wreath Candles sa kanilang mga tahanan. Ang mga ito ay sisindihan bawat Linggo ng Adbiyento. Ito ay may iba't ibang simbolo at kahulugan:
1. Unang kandila (violet) ay simbolo ng Pag-asa
2. Pangalawang kandila (violet) ay simbolo ng Pag-ibig
3. Pangatlong kandia (kulay rosas) ay simbolo ng Kagalakan
4. Pang-apat na kandila (violet) ay simbolo ng Kapayapaan.
Ito po ay fundraising activity ng Family & Life Ministry, at maaari pong mabili ang mga kandila sa display sa aharapn ng simbahan. Maaari niyo po itong pabasbasan pagkatapos ng Misa. Maraming salamat po.
2. Christmas Poinsettias
Bilang pagdiriwang sa nalalapit na Kapistahan ng Kapanganakan ng ating Panginoon, inaanyayahan po namin ang bawat pamilya na punuin ang altar ng ating Simbahan ng mga poinsettia sa kahit magkanong halaga. Makipag-ugnayan lamang po sa Parish Office kung nais po ninyong mag-alay ng mga poinsettia.
3. KUMPISALANG PAROKYA
Magkakaroon po ng Kumpisalang Parokya sa Miyerkules, ika-isa (1) ng Disyembre, 2022, pagkatapos ng misa sa ika-anim at kalahati (6:30PM) ng gabi. Ang mga pari ng Bikaryato ng Sto. NiƱo ay pupunta sa ating parokya upang makinig sa ating kumpisal. Ito ang kauna-unahang Kumpisalang Parokya sa panahon ng pandemya. Maglaan po ng panahon at tanggapin ang pagpapatawad ng Diyos.
4. OMPHP Parish Chorale
Bukas po ang recruitment upang maging miyembro ng mga OMPHP Parish Chorale para sa mga babae't lalaki na may magagandang tinig at handang maglingkod sa ating simbahan o sa kapilya sa pamamagitan ng pag-awit sa ating mga Misa. Magtanong po ang mga interesado sa ating mga Music Ministers o sa opisina at hanapin si CJ Lloren o dumeretso po kay Fr. Lito Jopson. Mas kailangan po natin ng mga lalaki upang umawit bilang Tenor at Bass, gayundin ng mga instrumentalists.
Ang mga practices para sa Christmas songs at Musical ay tuwing Sabado simula ikalawa ng hapon (2:00PM).
5. Mga Liturgical Ministers
Bukas po ang ating recruitment para sa mga may nais maglingkod sa parokya bilang mga liturgical ministers - Extraordinary Ministers of Holy Communion, Knights of the Altar, Lectors and Commentators, Ushers, Mother Butler Guild, at Music Ministers. Makipag-ugnayan po sa Parish Office o sa sinumang aktibong naglilingkod sa Parokya.
MUNTING KATESISMO
Bakit kailangang mangumpisal sa isang pari?
Ipinaubaya ni Kristo ang ministerio ng pagpapatawad sa kanyang mga apostol, sa mga obispo na kanilang mga kahalili, at sa mga pari na kabahagi ng mga obispo sa pagiging instrumento ng awa at katarungan ng Diyos. Ginagampanan nila ang kapangyarihang magpatawad sa ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo (CCCC, 307).
Magkumpisal po tayo nitong Kumpisalang Parokya sa ika-1 ng Disyembre pagkatapos ng misa ng ika-6:30 ng gabi.
Comments
Post a Comment