para sa ika-25 ng Setyembre 2022
1. Second Collection para sa 36th National Migrants' Sunday
Magkakaroon po tayo ng Second Collection para sa 36th National Migrants at Seafarers Sunday. Ang malilikom na ponso ay gagamiting tulong para sa ating mga Overseas Filipino Workers at mga Seafarers na nagsasakripiso para sa kanilang mga pamilya.
2. Pamparokyang Survey
Pinaalam po sa lahat na may pangmalawakang Survey na isasagawa sa ating Parokya mula ngayon hanggang sa ika-15 ng Oktubre 2022. Ang mga datos na malilikom ay gagamitin para sa pagbubuo ng isang 5-year Parish Plan na gagawin sa ika-12 hanggang ika-13 ng Nobyembre 2022. Mayroon po tayong mga inatasang mga mga lingkod na simbahan na may taglay na ID upang isagawa ang survey sa mga tahanan. Pahintulutan po natin ang mga interviewee gabayan tayo sa pagsagot ng survey na ito.
3. Tunay na Pasko Mini-musical
May audition na gagawin para sa casting ng "Tunay na Pasko" Mini-musical sa buwan ng Oktubre para sa mga gaganap bilang "Maria", "Anghel", "Jose", "mga Pastol", at "host of angels". Tumawag po kayo sa Parish Office para sa karagdagang impormasyon ukol rito.
2. The Seasons of Creation
Ang buwan ng Setyembre ay tinatawag ding "Seasons of Creation". Magtatapos po ito sa 4 October sa kapistahan ni San Francisco de Assisi, ang patron ng ekolohiya. Maging mulat po tayo laban sa pang-aabuso ng ating kalikasan at kung paano po natin napangangalagaan ang yaman ng binigay ng Panginoon sa atin. Magsumite po tayo ng ating mga larawan at artikulo sa ating Facebook page ng Our Mother of Perpetual Help.
3. OMPHP Parish Chorale
Bukas po ang recruitment upang maging miyembro ng mga OMPHP Parish Chorale para sa mga babae't lalaki na may magagandang tinig at handang maglingkod sa ating simbahan o sa kapilya sa pamamagitan ng pag-awit sa ating mga misa. Magtanong po ang mga interesado sa ating mga Music Ministers o sa opisina at hanapin si CJ Lloren o dumeretso po kay Fr. Lito Jopson. Mas kailangan po natin ng mga lalaki upang umawit bilang Tenor at Bass, gayundin ng mga instrumentalists.
4. "Harana kay Maria"
Bilang pagdiriwang ng ating ika-6 na anibersaryo ng pagkakatatag ng ating Simbahan, ang lahat ng mga koro ng ating Parokya ay magkakaroon ng isang konsiyertong pinamagatang "Harana kay Maria" sa ika-22 ng Oktubre 2022 sa ganap na ika-7:30 n.g. Suportahan po natin ang ating mga kabataan na nais handugan si Maria ng mga natatanging awitin.
5. Mga Liturgical Ministers
bukas po ang ating recruitment para sa mga may nais maglingkod sa parokya bilang mga liturgical ministers - Extraordinary Ministers of Holy Communion, Knights of the Altar, Lectors and Commentators, Ushers, MBG, at Music Ministers. Dumiretso po tayo sa sinomang aktibong naglilingkod sa parokya.
6. MUNTING KATESISMO
Sasali ba tayo sa mga gawaing pangsimbahan dahil nangangailangan lamang tayo ng mga lingkod?
Tayo po ay nagtatawag sa paglahok sa mga gawaing pansimbahan hindi lamang tayo ay nangangailangan ng mga lingkod, kundi dahil pananagutan nating lahat na paglingkuran ang ating Panginoon. Sa pamamagitan ng pagkapit sa Simbahan, pinalalakas natin ang ating pananamapalataya upang mapagwagian natin ang mga tukso ng materyal na buhay at naipapahayag natin sa kanya ang ating pag-ibig. Palahukin ang buong miyembro ng pamilya sa paglilingkod sa Diyos sa Simbahan.
Comments
Post a Comment