Announcements as of September 11, 2022

 

1. National Catechetical Month

Ang buwan ng Setyembre ay tinataguriang National Catechetical Month na may temang "Mga Katekista, sabay-sabay na naglalakbay bilang mga Saksi ng Bagong Buhay kay Kristo". Pinaalalahan po tayo ng Diyosesis na suportahan natin ang gawain ng mga Katekista.  Mayroon pong 2nd Collection sa lahat ng mga misa simula Sabado ng hapon ng ika-10 ng Setyembre hanggang linggo ng ika-11 ng Setyembre.

2. The Seasons of Creation

Ang buwan ng Setyembre ay tinatawag ding "Seasons of Creation".  Magtatapos po ito sa 4 October sa kapistahan ni San Francisco de Assisi, ang patron ng ekolohiya. Maging mulat po tayo laban sa pang-aabuso ng ating kalikasan at kung paano po natin napangangalagaan ang yaman ng binigay ng Panginoon sa atin.  Magsumite po tayo ng ating mga  larawan at artikulo sa ating Facebook page ng Our Mother of Perpetual Help. 

3. OMPHP Parish Chorale

Bukas po ang recruitment upang maging miyembro ng mga OMPHP Parish Chorale para sa mga babae't lalaki na may magagandang tinig at handang maglingkod sa ating simbahan o sa kapilya sa pamamagitan ng pag-awit sa ating mga misa.  Magtanong po ang mga interesado sa ating mga Music Ministers o sa opisina at hanapin si CJ Lloren o dumeretso po kay Fr. Lito Jopson.  Mas kailangan po natin ng mga lalaki upang umawit bilang Tenor at Bass, gayundin ng mga instrumentalists.  

4. "Harana kay Maria"

Bilang pagdiriwang ng ating ika-6 na anibersaryo ng pagkakatatag ng ating Simbahan, ang lahat ng mga koro ng ating Parokya ay magkakaroon ng isang konsiyertong pinamagatang "Harana kay Maria" sa ika-22 ng Oktubre 2022 sa ganap na ika-7:30 n.g.  Suportahan po natin ang ating mga kabataan na nais handugan si Maria ng mga natatanging awitin. 

5. BEC Leadership Orientation Seminar

Nasa ikapitong Sabado na po ang leadership seminar para sa BEC. Mahalaga na ang mga tatanghaling mga lider ay nakatapos ng programang ito.  Salamat po. 

Comments