Prayer for FABC 50

by the Federation of Asian Bishops’ Conferences

Prayer from August 28 to Oct. 30, 2022


Blessed are you Father who in your great love, 

sent your Only Begotten Son

to reconcile us to you and to one another

by his Passion, Death, and Resurrection

and the power of the Holy Spirit. 

We thank and praise you for the birth of FABC over fifty years ago.

By divine providence and under the guidance of the Holy Spirit, 

Bishops from Asia met and formed the FABC

May the FABC continue to be steadfast in its mission of love and service

for your beloved people in this vast continent of Asia.

Help us to surmount the challenges

that threaten the stability of our families, the dreams of our youth,

the integrity of our environment, and the harmony among peoples, cultures and religions

Through the intercession and motherly protection of Mary, Mother of the Church, 

and Star of the New Evangelization,

may this occasion of the 50th anniversary celebration of FABC

be a propitious time to discern and undertake new pathways 

for genuine renewal in our mission of making the Gospel alive and life-giving: 

for the poor, deprived and marginalized, for the displaced and the migrants, 

and for mother earth who groans with wounds of exploitation.

We make this prayer through our Lord Jesus Christ, your Son, 

who lives and reigns with you and the Holy Spirit,

God, for ever and ever. Amen


Panalangin para sa FABC 50

(Federation of Asian Bishops’ Conferences)

Purihin ka Ama, sa iyong dakilang pag-ibig,

isinugo mo ang iyong Bugtong na Anak

upang ipagkasundo kami sa iyo at sa isa’t-isa

sa kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay at Muling Pagkabuhay

at sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Pinasasalamatan at pinupuri ka namin

para sa pagsilang ng FABC limampung taon na ang nakakaraan.

Sa iyong pagkalinga at sa gabay ng Espiritu Santo,

nagtipon ang mga obispo at binuo ang FABC.

Manatili nawang tapat ang FABC sa misyon nito ng pag-ibig at paglilingkod

sa iyong minamahal na bayan sa napakalawak na kontinente ng Asya.

Tulungan mo kaming malampasan ang mga pagsubok

na nagbabanta sa katatagan ng aming mga pamilya,

sa pangarap ng aming mga kabataan,

sa kagandahan ng aming kapaligiran,

at sa pagkakasundo ng aming mga mamamayan, kultura at relihiyon.

Sa tulong ng mga panalangin at maka-inang pangangalaga ni Maria,

Ina ng Simbahan at Bituin ng Bagong Ebanghelisasyon,

maging mabiyayang panahon nawa ang okasyong ito

ng ikalimampung anibersaryo ng FABC

upang kumilatis at bumagtas kami ng mga bagong landas

tungo sa tunay na pagpapanibago ng aming misyon

na gawing buhay at nagbibigay-buhay ang Ebanghelyo

para sa mga dukha, pinagkaitan at isinantabi,

para sa mga walang masilungan at migrante,

at para sa Inang Kalikasan na dumaraing sa mga sugat ng pang-aabuso.

Hinihiling naman ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon at iyong Anak,

na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo

Diyos, magpasawalang hanggan. Amen

Comments