Dagdag na anunsyo

 

DAGDAG NA ANUNSYO

As of August 14, 2022

1. Ecology Ministry - Gardening 101 Forum

Inaanyayahan po ang lahat na makilahok sa gaganaping Gardening 101 Forum na handa ng ating OMPH Parish Ministry on Ecology. Ito ay gaganapin sa ikatlo (3) ng Setyembre, Sabado, mula ika-sampu (10) ng umaga hanggang ika-labindalawa (12) ng tanghali sa PV10 Chapel. Pangungunahan ito ni Sis. Leli Roque ng CFC Oikos Core at Hold ang Ganda Mo Program Coordinator and Gardener. Ang programang ito ay naglalayon na makapagturo ng gardening at pangangalaga sa ating kapaligiran patungo sa ating pagiging mabuting katiwala ng kalikasan.


2.  SSDM - Medical Mission

Magkakaroon ng Medical Mission ang OMPH Parish Social Services and Development Ministry (SSDM) sa darating na ika-dalawampu’t pito (27) ng Setyembre, Martes, mula ika-walo ng umaga (8:00AM) hanggang ika-labindalawa ng tanghali (12:00PM). Ito ay gaganapin sa Perpetual Village 1 Multipurpose Hall. Ang lahat ng medical services ay libre at mula sa suporta ng Municipal Medical Assistance Office ng Taguig City. Dumalo po tayo dito. 



Comments