para sa ika-6 hanggang 13 ng Agosto 2022
1. St. John Baptiste Marie Vianney Sunday
Sa Linggong ito, ipagdasal po natin ang mga pari sa pamamagitan ng Patron ng mga pari at kura paroko, si San Juan Maria Vianney. Magkakaroon po tayo ng second collection para sa on-going formation ng mga pari.
Sa susunod na Linggo, ika-14 ng Agosto, mayroong 2nd collection para sa Fil-Mission Sunday o pagtataguyod sa mga paring misyunero sa ibang mga bansa.
2. OMPHP MUSIC MINISTRY SEMINAR
Bilang paghahanda sa nalalapit na concert sa Oktubre 2022, ang Music Ministry ay magkakaroon ng kanilang Orientation Seminar part 2 sa darating na ika-13 ng Agosto, 2022 sa ganap na ika-2 ng hapon. Kailangan pong pumunta sa seminar upang maging kaisa ng Simbahan sa pagdiriwang ng liturhiya. Dumalo po ang nais na maglingkod sa simbahan bilang koro, tagatugtog, Musical director, at soloista.
3. BEC 13 WEEKS SEMINAR
Dumalo po tayo sa ikatlong araw ng seminar ng BEC 13 weeks program ng Parokya tuwing Sabado sa ganap ng ika-9 ng umaga hanggang labing isa ng umaga. Ang BEC ay pamamaraan ng pagiging Simbahan sa nibel ng mga magkakapitbahayan.
4. "NO ONE IS IN NEED"
Ang aklat na sinulat ni Pd. Lito Jopson “NO ONE IS IN NEED: Guide to a Stewardship Way of Life in the light of St. Luke’s Theology of Stewardship” ay available sa ating Parish Office, sa Lazada, at sa St. Pauls at Pauline Bookstores. Nagsasabuhay na ba kayo ng buhay-Katiwala? Ito po ang inaasahan sa atin bilang mga Katoliko.
5. "BUHAY-PAROKYA"
Nagaganap ang on-going formation upang mapalalim ang ating pananampalataya kada Sabado sa pamamagitan ng online program "Buhay-Parokya". Mag-log po tayo sa ating FB Page ng Our Mother of Perpetual Help tuwing Sabado, ika-7 at kalahati ng gabi.
Comments
Post a Comment