Announcement

Phil News Agency

ika-30 ng Hulyo - 6 ng Agosto 2022

1. 2nd COLLECTION PARA SA MGA NAAPEKTUHAN NG LINDOL

Bilang pagtulong sa mga naapektuhan ng 7.3 magnitude na lindol kamakailan na tumama sa Diocese of Bangued, Archdiocese of Nueva Segovia, at Apostolic Vicariates of Tabuk, at Bontoc-Lagawe, ang ating Diyosesis ay magsasagawa ng pangalawang koleksyon sa lahat ng ating mga Misa simula sa anticipated masses ng Hulyo 30, 2022 hanggang Hulyo 31, 2022. Mangyaring isumite ang iyong mga tulong sa Opisina ng Oeconomus hanggang Agosto 5, 2022.

Ang Fil-Mission Sunday Second Collection na naka-iskedyul ngayong Linggo ay ililipat sa Agosto 14, 2022.

2. BEC 13 WEEKS SEMINAR

Nagpapatuloy na po ang labingtatlong serye ng seminar ng BEC Program ng Parokya noong tuwing Sabado sa ganap ng ika-9 ng umaga hanggang labing isa ng umaga dito sa ating Parokya. Ang nasabing seminar ay  magpapataas ng ating kamalayan patungo sa pagbubuo ng BEC at pagtataguyod ng bagong paraan ng pagiging Simbahan.  Maari pa po tayong dumalo sa nasabing seminar.

3. "NO ONE IS IN NEED"

Ang aklat na sinulat ni Pd. Lito Jopson “NO ONE IS IN NEED: Guide to a Stewardship Way of Life in the light of St. Luke’s Theology of Stewardship” ay available sa ating Parish Office, sa Lazada, at sa St. Pauls at Pauline Bookstores.  Nagsasabuhay na ba kayo ng buhay-Katiwala?  Ito po ang inaasahan sa atin bilang mga Katoliko. 


4. BAGONG WEBSITE

Meron po tayong Bagong website na kasalukuyang ginagawa.  Ito ay www.omphptaguig.org.  Kung meron po kayong katanungan ay mag-log on sa website na ito.   

Comments