Announcement


 as of July 17, 2022

1. BEC 13 Weeks Seminar

Inaanyayahan ang lahat ng parishioners na makiisa at makilahok sa labing tatlong serye ng seminar ng BEC Program ng Parokya tuwing Sabado, na magsisimula sa July 30, 2022 sa ganap ng 9:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga dito sa ating Parokya. Ang nasabing seminar ay  magpapataas ng ating kamalayan patungo sa pagbubuo ng BEC at pagtataguyod ng bagong paraan ng pagiging Simbahan. Maraming Salamat po. "

2.  WESTYFLMEVP

Bukas po ang lahat ng ating mga ministries para sa inyong pagsali. Maaari po tayong makapaglingkod sa pamamagitan ng mga sumusunod: 

WORSHIP – Lectors, commentators, Extraordinary Ministers of Holy Communion,  Altar Servers, Choir at instrumentalists 

EDUCATION – mga volunteer catechists 

SOCIAL SERVICES – para sa mga kawanggawa o pagtulong sa kapwa nating naghihirap 

TEMPORALITIES – o pagiging katiwala sa material na ipagkaloob sa atin ng Panginoon. 

YOUTH – para sa paghubog ng ating mga Kabataan 

FLM – o Family Life Ministries; sapagkat halos lahat ng mga magulang ng pinabibinyagang mga bata ay hindi kasal sa simbahan. 

Media Ministry – ang Social Media ay hindi ginagamit upang manira ng tao kundi upang magpangalat ng Mabuting Balita ng Kabutihan at katotohanan. 

ECOLOGY MINISTRY – sapagkat inaasahan tayong pangalagaan ang kalikasang nilikha ng Diyos. 

VOCATION MINISTRY – para maipamulat sa lahat ang kahalagahan ng tawag at pagtugon sa Diyos.  At  

PUBLIC AFFAIRS – sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa barangay at lungsod para sa ikabubuti natin mga mamamayan. 

Sumali po tayo sa alinmang mga ministries na ito. 

3. "No One is in Need"

Ang aklat na sinulat ni Pd. Lito Jopson “NO ONE IS IN NEED: Guide to a Stewardship Way of Life in the light light of St. Luke’s Theology of Stewardship” ay available sa ating Parish Office, sa Lazada, at sa St. Pauls at Pauling Bookstores.  Bilang mga Katoliko, tayo po ay inaasahang maging mga tapat sa Katiwala ng ating Panginoon.  Isabuhay po natin ang buhay-katiwala. 

4. "Buhay-Parokya"

Ang programang online na pinamagatang “Buhay-Parokya” ay para sa ikalalalim ng ating pagtataya bilang mga Katoliko at Kristiyano. Ito’y mapapanood sa ating Our Mother Of Perpetual Help Facebook Page tuwing Sabado, ika-7 at kalahati ng gabi.  Lumahok po tayo sa programang ito.  


Comments